Una sa Balita

Isinugod sa ospital

Raymond

By
0 2,200

Mamaya na ang 2nd EDDYS awards night sa The Theater ng Solaire na iho-host nina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Ang EDDYS ay ang awards night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Kahapon, parang ako ang nataranta sa ibina­lita ni Ruffa na ni-rush noong Saturday night sa ER (emergency room) ng isang kilalang hospital si Raymond.

Ang taas daw ng lagnat ni Raymond.

“Sana he will be fine na tomorrow (Today),” sabi ni Ruffa.

Sa text sa akin kahapon ni Raymond, sinabi niyang, “Hopefully I’m better na tomorrow (today). I went to the hospital last night coz my f­ever is 39.9.”

Sinabihan ko na mag-rest siya para makasipot sa kanyang hosting stint mamaya.

“I just checked my temperature, it’s 38 today. Thank God!” text pa niya.

Praying na tuluyan na ngang gumaling si Raymond para makapag-host ng EDDYS mamaya dahil si Rajo Laurel pa naman ang gumawa ng suit na isusuot niya para sa awards night ng SPEEd!