Una sa Balita

Isinalba sa bitay na OFW nagpasalamat kay Duterte

0 381

NAKIPAGKITA kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya­ ng isang overseas Filipino worker na nakakulong sa Bahrain bago bumiyahe ang mga ito para mabisita ang kanilang kaanak.

Ang pakikipagkita ng pamilya Aguinaldo sa presidente ay naganap sa Villamor Airbase nitong Huwebes at ipinaabot ang kanilang pasasalamat dahil nailigtas sa parusang bitay si Rode­rick Aguinaldo.

Si Aguinaldo ay kasalukuyang nakakulong dahil sa pagpatay sa isang Pakistani national.

Binigyan ng pagkakataon ng Bahrain go­vernment ang pamilya ni Aguinaldo na mabisi­ta ito sa kulungan.

Sa pakikipagkita ng mga magulang, asawa at dalawang anak ni Aguinaldo kay Pangulong Duterte binigyan ang mga ito ng tulong pinansiyal at scholarship para sa mga anak.

Lumapit ang pamil­ya Aguinaldo kay Senador Bong Go noong 2018, noong siya pa ang Special Assistant­ to the President at ipinarating ang paghingi ng tulong ng pamilya­ kay Pangulong Duterte.

Iniapela ng presidente sa hari ng Bahrain ang kaso ng OFW at nangako ang hari na i-commute ang parusa nito at hindi ipapatupad ang parusang kamatayan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More