Una sa Balita

ISF sa Estero de Magdalena, ire-relocate sa Cavite

0 1,031

TINIYAK ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio ‘Ka Pepeton’ E. Goitia na maire-relocate na sa Trece Martires City, Cavite ang mga informal settler family (ISF) sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.

Naunang nai-relocate ng PRRC sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) ang 1,009 pamilya sa Pandi at Norzagaray, Bulacan at Paradise Heights sa Tondo, Maynila at muling magre-relocate ang PRRC sa Hunyo 20 para masimulan na ang Estero de Magdalena Linear Park.

“Pinagtatrabahuhan namin na ma-relocate na lahat dahil napansin namin na kapag pakonti-konti ay may mga nagbabalikan. Nakausap na po namin ang receiving LGU (Mayor Melandres G. de Sagun) at napapayag na po sila na tanggapin (sa Trece Martires) ang mga mare-relocate mula sa Estero de Magdalena,” ayon kay Goitia.

Abante Hiring – IT dep

Katulong ng PRRC ang Metropolitan Manila Development Authority, local government ng Maynila at ilang pamilya ng mga informal settler sa Bayanihan Cleanup nitong Hunyo 13 at ginawang mano-mano ang paglilinis sa ilalim ng mga barong-barong.