Una sa Balita

Isda na galing Pangasinan, walang formalin

By
0 126

SINIGURADO kahapon ng Dagupan City local government unit (LGU) na walang formalin o  formaldehyde ang anumang klase ng isda na nanggagaling sa nasabing siyudad.

Ito ang sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, matapos ang sinagawang monitoring ng City Agriculture Office (CAO) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR).

Ayon kay Fernandez, sinabi ng monitoring team ng CAO at BFAR, wala silang nakitang formalin sa mga wet market sa nasabing siyudad na kung saan ibinabagsak ang iba’t ibang klase ng isda.

Napag-alaman na nag-inspeksyon ang BFAR upang siguraduhin na ligtas ang mga mamimili sa mga wet market o palengke.

Ayon sa datus ng Dagupan City LGU, wala silang na-detect na formalin sa mga isda sa buong Panga­sinan.
Ang Dagupan City ay isa sa mga bayan na kung saan nag-aangkat ng iba’t ibang klase ng isda lalo na bangus.