Una sa Balita

Isang taon nang tigang Pokwang ayaw nang ‘galawin’ ni Lee

By
0 2,167

Excited na si Pokwang­ sa magaganap na concert tour nila ni Piolo Pascual sa America sa October dahil first time nilang maililipad ang kanyang baby na si Malia.

Kasama rin sa tour ang boyfriend-live in partner ni Pokwang na si Lee O’Brian.

Ayon kay Pokie, maipapasyal nila si Malia sa ilang mga lugar sa Amerika at magkakaroon pa ito ng mahabang oras na bonding moments sa kanyang lolo at lola, mga magulang ni Lee.

Abante Hiring – IT dep

Habang nagsu-show raw si Pokwang sa iba’t ibang lugar sa US, nasa poder naman ng Mommy at Daddy ni Lee ang kanilang anak.

Patuloy ang pasasalamat ni Pokwang sa Diyos sa pagbigay sa kanila ng isa pang malaking bles­sing, si Malia nga.
Kung posible pa raw na bigyan pa siya ng isa pang baby, ipagpapasalamat daw ito ng komedyana. ‘Yun nga lang, higit na sa isang taong hindi pa ginagalaw ni Lee si Pokwang.

Kaya matagal pa bago masundan uli si Malia lalo at hindi gusto ni Lee na sipingan ang kasintahan dahil hindi pa ito nakaka-recover nang husto sa pagbubuntis at panganganak.

Magwa-walong buwan na si Malia at hanggang ngayon ay parang nanatiling birhen pa rin si Pokwang dahil ayaw nga siyang galawin ni Lee.