Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isang Harana ngayong Labor Day

0 44

Ngayong Sabado ating binibigyan ng pagpapahalaga ang mga manggagawag Pilipino. Sa araw na ito, lalo nating pinagpapahalagahan ang kontribusyon nila sa ating bayan: Sa paglago ng ating ekonomiya at sa panlipunang kabuluhan ng kanilang pagiging manggagawa.

Napakahalagang patuloy natin silang pinasasalamatan, lalo sa panahon ngayong napakarami pa rin ang nagsasakripisyo ng kanilang kalusugan para lang makapagtrabaho. Nang magsimula ang pandemya, marami sa ating mga manggagawa ang walang kakayahang tumigil sa pagtatrabaho at patuloy na hinaharap ang peligrong dala ng COVID-19.

Kaya ngayong Labor Day, inihahandog ng Tanggapan at ng Istorya ng Pag-asa ang Harana: Musical Tribute to Filipino Frontliners. Isa itong online na pagtitipon-tipon ng iba’t ibang mga banda at artists para sabay-sabay nating mapasalamatan ang mga Pilipinong Frontliners na buong tapang na humaharap at lumalaban para sa ating mga kababayan.

Related Posts

Damayan tayo

Kampi sa China?

‘Tubig is life’

Isa lamang ito sa marami nating mga proyekto na nakatuon para tulungan ang ating mga frontliners sa panahon ng pandemya. Nitong linggo, nakatanggap tayo ng mga donasyon para sa mga komunidad, mga ospital, at iba pang health facilities na siya naman nating ipinamahagi sa mga nangangailangan.

Sa National Kidney and Transplant Institute nakapag-abot tayo ngayong linggo ng mga kagamitan para makatulong sa pagdagsa ng mga pasyente. Sa tulong ng ating mga partners, nakapagbigay tayo ng mga folding beds, oximeters, blood pressure apparatus, at mga PPE sets para makadagdag sa kanilang supply.

Laman lagi ng ating kuwentuhan ang mga naaabutan natin ng tulong dahil naniniwala kami na mahalagang maiparating sa inyo ang patuloy na pangangailangan ng ating mga kababayan lalo sa panahon ngayon. Ngunit maliban sa hinagpis ng bawat frontliner, bawat manggagawa na pilit nating pinupunan, nariyan din ang kahalagahang ng simpleng pagpapasalamat sa lahat ng kanilang sakripisyo para lang makapagpatuloy tayo.

Kaya sa bawat frontliner, sa bawat manggagawa po: Hindi po namin kayo nakalilimutan at lagi po namin kayong pinagdarasal. Sana huwag po kayong mapagod lumaban at magbigay inspirasyon sa ating mga kababayan. Maraming, maraming salamat sa serbisyo!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.