Una sa Balita

Isang bagong yugto 

By
0 757

Ang Bagong Taon ay isang panibagong yugto, hindi lang sa kasaysayan ng bansa, kundi sa ating buhay. Bubuuin ito ng 12 kabanata at 365 pahina. Ibig sabihin, mayroon tayong 12 buwan at 365 araw sa buong 2018 para lalong mahalin ang pamilya, gumawa pa ng mabuti, at ­tuluyang abutin ang ilang pangarap.

A new year is a new start. Ang nais nating iharap sa kapwa ay ang bagong bersiyon ng ating sarili. May kanya-kanya tayong resolution. Mayroon sa atin na gustong magbawas ng timbang. May iba naman na titigil na sa paninigaril­yo at pag-inom ng alak o kaya’y magkaroon ng healthy lifestyle, maggugol ng panahon sa pa­milya, magsikap na uma­ngat sa trabaho o tipirin ang pera. Ilan lang ito sa maraming New Year’s resolutions na huwag naman sanang mawala pagsapit ng February. ­Sama-sama, paabutin natin ang ating mga panata nang hanggang December.

Kung mayroon ­tayong kanya-kanyang talambuhay, mayroong libro ng kasaysayan ang ating bansa.
Naging kontrobersiyal man at puno ng paghamon ang 2017, naghatid din naman ito ng tagumpay sa mga proyekto at programa ng pamahalaan at pati na sa mga batas na naipasa ng Kongreso at pa­tuloy na pagsupil sa kriminalidad at terorismo.

May ilang eksperto sa public administration ang nagsasabi na kapansin-pansin ang pagtingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahihirap dahil palagi silang kasama sa mga programa na kanyang ipinatutupad. Kasalukuyan nang ibinaba­ngon ang Marawi City matapos magapi ng ating mga sundalo ang Maute/ISIS Group noong isang taon at bumaba rin nang halos 10 porsiyento ang krimen sa bansa.

Gayundin, ang pagsusumikap na bigyang-kaluwagan ang mga pamilya sa mga probinsiyang nasapol ng mga bagyong Vinta at Urduja. Nagawa naman ng kinabi­bilangan nating Kongreso na makapagsulong ng mga batas na makapagpapabago ng buhay ng maraming Filipino, lalo na sa mga sektor ng mga kabataan, magsasaka, manggagawa, at maliit na negosyante.

Tulad ng history book, patuloy nating sinusulat ang perso­nal na libro ng ating ­buhay at ang kasaysa­yan ng ating bansa, page by page, chapter by chapter. Kung maganda ang unang pahina, dapat mas maganda pa ang mga kasunod na pahina.

Kung natapos na masaya ang ­unang kabanata, dapat higitan pa ito ng susunod. Every page and every chapter should take us to the climax, bawat hakbang ay tu­ngo sa pagkamit natin sa ­rurok ng bawat ha­ngarin at adhikain.

Pagsumikapan natin nang sama-­sama na higitan pa ang magagan­dang pinagdaanan natin, hindi lang ngayong 2018, kundi sa mga susunod pang taon.