Una sa Balita

Isalba ang Marikina River

0 277

Dear Abante:

Hindi ko po lubos maisip kung ano ang tunay na hangarin ng nasa likod ng pagtatapon ng mga patay na baboy sa ilog sa Marikina. Walang maayos na pag-iisip ang gumawa nito na maaaring takot sa responsibilidad at pera-pera lamang ang mahalaga.

Hindi biro ang nasa 55 na mga patay na baboy na nauna ng natagpuan sa Ilog ng Marikina, lubhang napakalaki ng epekto nito sa kalusugan ng mga residente na naninirahan malapit sa palibot ng ilog, kaya naman marapat lamang na papanagutin ang tunay na may sala rito upang ‘di na pamarisan pa.

Nandoon na tayo sa napakasakit na mapeste o malugi ang isang negosyo o ang bagay na pinagkakakitaan natin, pero normal lamang po ito na hindi laging nasa alapaap ang kita ng isang negosyante, mayroon at mayroon na mga pagsubok na dadating na kailangang malampasan, at inaayos sa mabuting paraan.

Umaasa po ako na mabigyan ng leksyon ang nasa likod ng walang habas na pagtatapon ng mga patay na baboy para ‘di na mapamarisan pa ng iba.

Malinaw na ang ganitong gawain ay malaking kasiraan sa ating lipunan, malinaw na walang kaisahan sa ating pamahalaan ang may gawa nito, maaaring maliit lamang ito sa iba lalo na sa mga hindi naman apektado, pero pakaisipin po natin na ang simpleng pag-iingat sa ating kalikasan, kapwa, mga nakapaligid at iba pa na kung pagsasamahin ay iisang maunlad na bayan at bansa.

Aldren C. Mandalo mula sa Fairview, QC

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy