Una sa Balita

Isabelle, sinisisi sa puwersahang ending ng serye nila ni Cristine!

By
0 6

Naging paha­yag ni Direk Ruel Bayani, ang Business Unit Head ng Tubig at Langis na isa sa dahilan kung bakit magwawakas na at magpi-finale na ang isa sa pinaka-successful na pang­hapong serye ng Kapamilya network, ay sa nalalapit na pagpapa­kasal ng isa sa bidang babae rito na si Isabelle Daza.

Pero nilinaw rin naman nito agad bago pa maging negatibo ang dating sa iba na parang sa halip na may trabaho pa sana ang cast, lalo na ang production na mag-extend pa nang mag-extend ang Tubig at Langis, eh napuwersang tapusin na dahil nga sa pagpapakasal ni Isabelle.

“No, ayokong i-deny ‘yun. Mala­king impact talaga ang kasal ni Belle. We love her so much, ang feeling ko, ibi­gay na natin. Let her enjoy her new life.

“And kami naman, look at these people, they’re talen­ted people, makakakuha ito ng next show as soon as possible. Kawawa naman si Belle, isusulat ninyo dahil sa kasal.

“Siguro ang ibig naming sabihin, pwede kung i-stretch namin, but we want to protect ‘yung integrity of this project, ending this way, high note at puwede naming sabihin na naka-exit kami ng may dangal.”

Sa isang banda, kahit na nagkaroon ng isyu, hindi­ na tinapos ang serye ng aktres na si Vivian Velez dahil sa naging­ conflict nito at ni Cristine Reyes, pa­yag pa rin daw si Direk Ruel na maka-trabaho ito.