Una sa Balita

Isabelle muntik mapaanak sa surprise baby shower

0 3,360

Magaling mag-organize ng surprise baby shower party ang pinsan ni Isabelle Daza-Semblat na si Georgina Wilson, kapatid na si Ava Daza at isa pang kaibigan dahil kitang-kita talaga ang pagkagulat ng misis ni Adrien Semblat sa isang video na na-post sa social media.

Naku, mabuti nga at hindi biglang napaanak si Isabelle sa surprise baby shower na ‘yon, huh! Dahil sa sobrang happy niya, feeling ng iba ay mapapaanak na siya.

Ang isa sa mga friend ni Isabelle na si Raymond Gutietrez ang nag-host ng game segment ng nasabing event at inusisa ko siya kung kailan ba talaga manganganak ang anak ng ating first Miss Universe na si Gloria Diaz?

Hindi raw siya sure dahil wala pang sinasa­bi si Isabelle. Ni hindi raw naikukuwento ng aktres kung normal or caesarean delivery ba ang mangyayari para sa first baby nito.

Ang nasabi lang ni Raymond, walang nakakaalam sa kanila kung ano ang gender ng baby na isisilang ng kanilang kaibigan sa last week of March or first week (depende pa rin) ng April.

Hindi nga raw inalam ni Isabelle at ng mister niyang si Adrien ang gender ng kanilang first baby, kaya ang mga kaibigan nila ay gender neutral ang gifts na ibinigay noong araw na ‘yon.

‘Kaaliw nga pala si Lola Gloria dahil nag-join din siya sa game segment ng baby shower party at ka-partner niya si Iza Calzado sa diaper game kung saan ay ang ating first Miss Universe ang nagsuot ng diaper kay Iza, ‘noh?! Marami ang naaliw kina Lola Gloria at Iza sa game na ‘yon!

KathNiel, Richard movie pinu-push ng mga fan

Masaya ang finale party ng La Luna Sangre noong Friday night. Nakarating sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at iba pang nasa cast ng nagtapos na fantaserye ng ABS-CBN, pero hindi naman nakapunta si Supremo o Richard Gutierrez dahil nagtuloy-tuloy ang tulog niya.

That day rin lang kasi natapos ang taping nila, kaya pag-uwi, hindi kaagad nakatulog si Richard at nang magising, nagpa-massage siya dahil sa sobrang pagod, pero nagtuloy-tuloy nga ang tulog niya.

“The next day na ako nagising,” kuwento ni Richard sa akin.

Pero nakapagpadala naman siya ng giveaways at anim na lechon na pinagsaluhan sa kanilang thanksgiving party.

Sa sobrang click nga pala ng nasabing fantaserye, may mga fan na nagre-request sa Star Cinema na isang pelikula naman ang pagsamahan nina Richard, Kathryn at Daniel.