Una sa Balita

Isabelle, Katrina nagliliyab ang kagandahan, kaseksihan

0 391

Dalawang Pinay beauties ang lalaban sa international beauty pageants sa February 2020. Tuloy na ang pag-compete ni Katrina Llegado sa naudlot na Reina Hispanoamericana pageant sa bansang Bolivia.

Na-postpone ang naturang pageant noong nakaraang November 9, 2019 dahil sa naganap na post-election violence sa naturang bansa.

Nasa biyahe na noon si Katrina nang sabihin na postpone ang pageant. Imbes na umuwi ay dumiretso ito sa pagbiyahe sa Canada kunsaan nandoon ang kanyang pamilya.

Noong nakaraang January 4, 2020 ay in-announce ng pageant camp ni Katrina na Aces & Queens via IG na tuloy ang pageant sa taong ito.

“The opening salvo for this year’s pageantry is Katrina Llegado (@katllegado) who will be competing in Reina Hispanoamericana from late January until February 8, 2020, in Bolivia.”

Nagsimula ulit sa kanyang training si Katrina para sa nalalapit na pageant. Wish ni Katrina na maiuwi nito ulit ang korona ng Reina Hisponoamericana na unang naiuwi ni Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Samantala, lumabas na ang official photos ni Isabelle de Leon para sa Miss Multinational 2019. Sa Instagram account ni Isabelle ay naka-post siya suot ang isang embellished beige gown. Nilagyan niya ito ng caption na: “She has fire in her soul and grace in her heart.”

Sa February rin magku-compete si Isabelle sa Miss Multinational sa New Delhi, India. Nanalo na ang Pilipinas ng Miss Multinational title noong 2017 at ito ay si Sophia Senoron. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More