Una sa Balita

Isabelle isinasangkot sa isyu ni Liz Uy

By
0 1,432

Nadadamay sa ‘other woman’ issue ng celebrity stylist na si Liz Uy ang kanyang kaibigan na si Isabelle Daza. May isang netizen na nagsabi na si Belle raw ang naging matchmaker kay Liz at sa ama ng anak nito na isang negosyante.

Ayon sa netizen, kaibigan din daw ni Belle ang ex-wife nito na isang doktor. Annulled na ang doktor at ang nego­syante.

Kelan lang ay pinost ni Liz ang photo ng baby boy nila na si Xavi via Instagram dahil nagkaroon sila ng photo shoot para sa isang broadsheet article.

Never naman tinago ni Liz si Xavi ever since na ipinanganak niya ito. Makikita naman sa kanyang IG account na maraming photos ang bata. Pero ang pinagtataka lang ng ilang netizens ay kung bakit nagtago ito noong kasalukuyang pinagbubuntis nito si Xavi?

Ang gusto ring malaman ng netizen ay kung si Liz daw ba ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa? Nasabi raw kasi ni Liz ay nakilala niya ang lalaki noong 2016, pero may mga nagsasabi na 2014 pa raw magkakilala ang dalawa.

Tuloy marami ang nagsabi na isang ‘homewre­cker’ daw si Liz. Kaya si Belle lang daw ang makasasagot sa ilang katanungan tungkol dito.

@luxeebae kay @isabelledaza: “I’d love to hear the truth according to you. Your version of the story. You’re the mutual friend yet you’ve been mum this whole time. Instead of putting two women head on against each other, why don’t you come clean since the other girl says you’re the matchmaker (she tagged you i saw that). Tell us your version of truth and perhaps it’s your chance to redeem yourself with the humble doctor.”

Pero, mas piniling manahimik na lang daw si Belle tungkol sa issue na ito.