Una sa Balita

Isabelle Grab driver na

By
0 2,964

Kahit na buntis ay hindi napigilan ng aktres na si Isabelle Daza na subukan ang maging isang Grab driver. Nag-share si Belle sa kanyang Facebook ng isang video na part siya ng isang reality show na ang title ay In Real Life.

Ang pinili niya ay ang maging isang Grab driver na naghahatid at nagsusundo sa iba’t ibang pasahero sa Metro Manila. Ang Grab ay isang ride-hailing app similar to Uber that is popular in many Southeast Asian countries.

“I just wanted to see how it felt like a day in the life of a Grab Car driver,” sey pa ni Belle.

Marami raw siyang natutunan at naranasan na kakaiba habang ginagawa niya ang trabaho ng isang Grab driver. Isa na rito ay ang respeto na kailangan ibigay sa mga nagda-drive sa iyo.

“Now, I’m definitely gonna be nicer to drivers­. That was cool, I really liked it and I hope you guys learned something.”

Binigyan pa raw si Belle ng tips ng isang certified Grab driver na nagngangalang Kuya Domingo. Kabilang sa tips ay kung paano siya makaka­kuha ng magandang rating mula sa passengers.

“Greet them right away and say ‘Hi, ma’am’” ngiti pa ni Belle.

Natural na nagugulat ang mga nagiging pasahero ni Belle dahil isang kilalang celebrity ang driver nila sa araw na iyon.

Kaya naman walang katapusang selfie ang nagaganap kapag may pasahero si Belle na nakikilala siya.

Sa ngayon pahinga muna sa paglabas sa teleserye si Belle, pero napapanood siya sa reality show na It Girls na pinapalabas ang re-runs sa E! channel.