Una sa Balita

Isabelle as Gloria, best in costume!

By
0 7
Iza, Isabelle at Lovi
Iza, Isabelle at Lovi

Up to now, trending pa rin ang pangongopya ni Isabelle Daza sa ­itsura ng mommy niyang Miss Universe na si Gloria Diaz, na naganap sa ­birthday party ni Tim Yap.

Nabaliw ang netizens dahil kuhang-kuha ni Isabelle ang itsura ng ina niya, pati na ang pagtawa nito na nakanganga nu’ng manalo sa Miss Universe.

Bale, ginawa pang black and white ang photo ni Isabelle kaya naman ­nagmukha talaga siya na si Gloria.

Anyway, iba’t ibang photo pa ang nai-post sa ilang mga IG accounts nina Anton San Diego at G3 San Diego. Miss Universe ang theme ng party ni Tim, kaya halos lahat ng dumalo na bisita ay naka-sash at todo-costume talaga.

Ilan pa sa mga celebrities na dumalo ay si Lovi Poe na naka-costume ng Miss Spain, pati na ang boyfriend niya. Naka-sash lang si KC Concepcion at Anne Curtis.

Dumalo rin sa okasyon ang ina ni Isabelle na si Gloria at ang isa pang Miss U ng ‘Pinas na si Margie Moran.

At dahil nga stand-out sa lahat si Isabelle, siya ang nanalong ‘best in ­costume’ sa party ni Tim at nakakuha ito ng plane tickets bilang prem­yo. Si Ms. Margie Moran pa ang nag-award ng prize.

TIM YAP AT BF, ENGAGED NA!

Javi at Tim
Javi at Tim

Sa kalagitnaan naman ng party, nagkaroon ng kaguluhan. ‘Yun ay dahil sa engagement proposal ni Tim Yap sa kanyang boyfriend na si Javi Martinez.

Maririnig sa ­video na pinost ni @g3cafe ang hiyawan ng mga bi­sita sa ­nagaganap na proposal.

Makikita naman sa IG account ni Rajo ­Laurel ang larawan ni Tim na ­nakaluhod sa harap ng boyfriend habang inaabot nito ang engagement ring. Napahawak sa magkabila niyang pisngi ang nasorpresang si Javi Martinez.