Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Isabelle Daza muntik mabiktima nang lumubog na bangka

0 249

Iba talaga ang mother’s instinct, ha! At kadalasan, mas maganda na pakinggan mo ang sinasabi ng utak at puso mo, bago mo gawin ang isang bagay.

“Balthazar, Adrien and I were supposed to take this boat back but I decided no to, cause my gut was telling me the water was too choppy,” sabi ni Isabelle Daza.

Sa Hong Kong naka-base ang pamilya ni Isabelle, at nasa isang isla sila roon at nagbabakasyon, kasama ang anak at asawa.

At kung hindi siya nakinig sa ‘gut’ niya, malamang ay nakasama nga silang pamilya sa lumubog na bangka.

“A boat just capsized with people on it,” say pa ni Isabelle.

“Everyone came running to help,” sabi pa niya ulit, na makikita nga sa kanyang Instagram story ang pagtutulong-tulong ng maraming tao para madala sa pampang ang nasabong boat.

“Everyone is okay. No one missing.

“Some kids are a bit shaken up. But no injuries. Thank God,” sabi pa rin ni Isabelle.

“Salvaging their belongings and removing water from the boat,” kuwento pa niya sa IG story.

At sa huli, ipinakita nga niya na ligtas naman ang lahat, at maayos na naisalba ang bangka.

“Sent the boat safely back but some people including all the kids did not go back on it.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Now the motor is out!

“Also this is a reminder to myself to wear a life vest all the time,” saad pa ni Isabelle.

Tunay na reyna ng dagat: Pia Wurtzbach pinadapa mga hubadera sa IG

Tabi, tabi, tabi, dadaan ang reyna!

Ganiyan nga ang eksena ni Pia Wurtzbach, Miss Universe 2015, sa latest Instagram photos niya, na naglalakad sa tubig.

Sa unang tingin, iisipin mo ngang nasa beach si Pia, dahil may mga buhangin nga sa paligid. Pero giit niya, nasa isang man made swimming pool lang siya, sa mismong condo na tinuluyan niya.

“When you don’t have to drive to the beach to experience the beach. Shot this at Azure north… they have a man made beach club! Imagine being able to step out of your condo and straight into the water 💙 Amazing,” sabi niya.

Anyway, tabi-tabi nga ang lahat, dahil sa loob pa lang ng sampung oras, umabot na sa mahigit 200,000 ang nag-like sa mga sexy photo na `yon ni Pia. Meaning, posibleng umabot sa kulang-kulang isang milyon sa loob ng isang araw ang paseksi photo na `yon ni Pia.

Eh kasi naman, ang ganda-gandang mag-emote ng dalaga, at kaloka pa rin talaga ang hubog ng kanyang katawan. Perpekto ang balakang, at siyempre, nag-uumapaw pa rin ang boobelya niya.

Reyna ng dagat nga ang bansag sa kanya. Na kahit hindi naman summer, bongga pa rin ang paandar ni Pia.

At kahit ang mga kapwa niya artista ay talagang sumaludo sa kanyang kaseksihan. Ang post na `yon ni Pia na yata ang humamig ng pinakamaraming like mula sa mga kapwa niya artista, beauty queen, singer, o mga alaga ng sining.

Well, iba pa rin ang reyna. Magsulputan man ang sangkatutak na artistang naghuhubad sa social media, iba pa rin kapag umeksena na ang tunay na reyna, na may korona talaga.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.