Una sa Balita

Isabelle at Adrien, bentang-benta sa Clinton vs. Trump gimik sa NYC Halloween party!

By
Isabelle at Adrien
0 2

The best Halloween costume nga ang deskripsyon ng mga friends, at netizens ni Isabelle Daza, sa eksena­ niya sa Halloween­ party­ sa New York City (USA). At yes, dinamay pa niya ang dyowa niyang si Adrien ­Semblat, ha!

Kasama nga nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sina Isabelle at Adrien na nagbabakasyon ngayon sa Amerika.

At going back sa Hallo­ween costume ni Isabelle, pati na ni Adrien, in-na-in kasi ang eksena nila. Well, pinaghirapan nga nila, sa pamamagitan ng prosthetics, ang kanilang costume, ha!

Yes, ginaya lang naman kasi nila ang mga mukha ng mga presidential candidates sa US na sina Hillary Clinton at Donald Trump. Si Isabelle na nag-ala Clinton, at si Adrien na nag-ala-Trump.

Winner na winner nga ang eksena nilang mag-asawa. At kahit ang mga kapwa nila artista, napapalakpak sa kanilang dalawa.

“Competitive ka talaga!” sey ni Allan K., na nakasama si Isabelle noon sa Eat Bulaga.

“Oh my goodness! Ate @isabelledaza this is why I love you so much!!! I miss you too see you soonest!” say ni Toni Aquino, anak ni Ruby Rodriguez.

“You won by leaps and bounds this Halloween! Hillary!” sey naman ni Rhian Ramos.

“Your best ever! Seriously! Grabe to! Good job!” sabi naman ni Bianca Gonzales.

“So good!” saad naman ni Iza Calzado.

“This is the best thing I’ve seen on insta today Ate Belle. Ha! Ha! Ha!” sey ni Mavy Legaspi, anak nina Carmina ­Villaroel at Zoren Legaspi.

“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawang-­tawa na komento ­naman ni Iya Villania.

Anyway, pero siyempre, may mga naligaw na comments pa rin, na sineryoso ang costume ni Isabelle, at prangkahang sinabi na hindi nila iboboto si Hillary, pero meron din na yes, Hillary sila.

Na parang gusto mo nga silang i-remind, na teka lang, Halloween ngayon, at costume nga ito, at katuwaan lang ang lahat, at ‘wag nang lagyan ng pulitika ang party nila, no!