Una sa Balita

Isabela mayor sinupinde sa iregularidad sa voucher

By
0 365

SINUSPINDE ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng tatlong buwan si San Agustin Mayor, Isabela Mayor Cesar Mondala dahil sa iregularidad na voucher na kanyang ginamit sa isang hotel sa Maynila.

Samantala, ibinigay naman ng DILG ang kopya ng kautusan kay San Agustin Vice Mayor Virgilio Padilla na pansamantalang maging acting mayor ng tatlong buwan na nagsimula noong Setyembre 17 hanggang Disyembre 10 ng taong kasalukuyan.

Nilinaw ni Padilla na dahil tatlong buwan lamang siya manunungkulan ay hindi siya lilipat ng opisina ng kanilang punongbayan.

Ang pag-upo ni Padilla bilang acting mayor, pinulong niya ang lahat ng department heads upang ipabatid ang kanyang mensahe sa kanila.

Sa suspension ni Mondala, ang Commission on Audit (COA) ang nakakita ng kanyang iregularidad sa voucher at binigyan ng pagkakataon na ibalik o bayaran ang P50,000 na ipinambayad sa isang hotel sa Metro Manila na kanyang pansamantalang tinuluyan.

Ayon kay Padilla, hindi tinugunan ni Mondala ang kahilingan ng COA kung kaya’t sinampahan ito ng kaukulang kaso ng kaso.

Paglilinaw ng acting mayor na hindi siya ang nagsampa ng kaso sa kanilang alkalde at wala siyang kinalaman sa suspension order ng DILG.

Sinabi naman ni Mondala na kahit isilbi ng DILG ang tatlong buwang suspension, ay mayroon siyang motion for reconsideration na inihain sa Court of Appeals na kanyang hinihintay.