Una sa Balita

Isabela, Aurora province nilindol

By
0 562

MAGKASUNOD na niyanig ng lindol ang bayan ng Divilacan sa Isabela at Casiguran sa Aurora kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa monitoring ng Phivolcs, alas-11:00 ng umaga nang maramdaman ang 3.1 magnitude na lindol sa Casiguran, Aurora at may lalim na 13 kilometers. Makalipas ang mahigit isang oras ay nakaranas naman ng pagyanig ang Isabela kung saan ang sentro ng lindol ay naramdaman sa bayan ng Divilacan pasado alas-12:30 ng tanghali. May lakas ito na 3.7 magnitude at may lalim na 21 km.

Ayon sa Phi­volcs, pawang tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang ina­asahang pinsala sa ari-arian gayundin ay walang kasunod na mga aftershock.