Una sa Balita

Isaac tutok, Dandan manggugulo

By
0 1,364

MAY puwang pang makapasok ang Blackwater sa quarterfinals kung maipapanalo ang mga natitirang laban sa nalalapit na wakas ng PBA Philippine Cup eliminations.

“We need to win tomorrow to keep our hopes alive of barging into the playoffs,” deklarasyon ni Elite coach Leo Isaac bago ang araw ng kanilang laban kontra sa Kia.

Tumatakbong ika-10 sa barahang 3-5 panalo-talo ang Blackwater habang nasa pinakailalim ang Picanto sa 1-7. Pero hindi ibig sabihin na mahina ang koponang ito, may mga pagkakataon na bigla na lang nanggugulat.

Ayon kay PBA statistician chief Fidel Mangonin III, kapag nakaanim na panalo, sigurado na sa Top 8 pero kung makaka-lima lang, malamang mayroong makakatabla.

Kaya kahit pa manalo ang Kia sa Blackwater, GlobalPort, at San Miguel sa susunod na linggo ay makakakuha lamang ito ng apat na panalo kung sakali at sibak na sa playoffs.

Naghahabol sa panalo ang Elite, hindi lang ngayon kontra Picanto ang kanilang kinakailangan kundi pati sa Linggo laban sa NLEX at sa Phoenix sa parating na Miyerkoles.

“We can’t take Kia lightly,” panapos ni Isaac.

Sinabi naman ni Kia coach Ricky Dandan sa kaniyang koponan, “Even if we are out of the playoffs we’ve worked and prepared our team hard in practice. We intend to finish this conference with wins.” (Christian Cortez)