Una sa Balita

Isaac itutuloy ang kumpas ng mahika

By
0 1,728

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. — Phoenix vs. Rain or Shine

7:00 p.m. – Talk ‘N Text vs. Blackwater

Mataas ang momentum ng Blackwater sa muling pagtapak sa Smart Araneta Coliseum ngayong Miyerkoles.

Bakit hindi, eh dalawang malalaking isda ang magkasunod nabingwit ng Elite ni coach Leo Isaac.

Unang tinibag ng Blackwater ang Rain or Shine 92-87 noong Dec. 29, isinunod ang Ginebra 94-77 noong Jan. 12.

Nasa kalagitnaan ng pulutong ang Elite sa 2-1, puwedeng akbayan ang Magnolia sa second spot ng PBA Philippine Cup kapag tinalo ang TNT KaTropa sa nightcap mamaya simula,alas-7:00.

Galing sa 88-76 loss sa San Miguel Beer ang TNT (1-2) noon lang Sabado sa Petron Blaze road game sa Iloilo.

Sa pambungad na alas-4:15 ng hapong sultada’y magsasalpukan ang Phoenix Petroleum (2-1) at Elasto Painters (1-2).

Napag-click ni Isaac ang chemistry nina Mac Belo, JP Erram, Allein Malicsi at Roi Sumang, maganda rin ang inilalaro ni rookie Raymar Jose.

Kontra Gin Kings ay may tig-22 points sina Belo at Erram na may 11 rebounds pa. Napahanga pati ng Elite si Ginebra coach Tim Cone na nagsabi: “They are truly one of the up-and-coming teams in the league.”

Si TNT coach Nash Racela, aminadong may problema ang team sa execution kaya susubukan nilang solusyonan.

“We’ve been working on our mistakes, and we’re hoping we could execute better,” aniya.

Si veteran guard Jayson Castro pa rin ang bumubuhat sa Texters, kasama sina Mo Tautuaa at Troy Rosario.