Una sa Balita

Isa patay, 4 sugatan sa Paris IS knife attack

By
0 1,633

ISANG lalaking armado ng kutsilyo ang nanaksak sa mataong lugar sa Paris nitong Sabado ng gabi kung saan isa ang napatay habang apat naman ang sugatan.

Ayon sa mga testigo, ang suspek ay sumigaw ng Arabic phrase na “Allahu akbar” na ang ibig sabihin ay “God is great” bago siya napatay ng mga rumespondeng pulis.

Inako naman ng Islamic State group na isa sa kanilang sundalo ang attacker na hindi muna kinilala.

Naganap ang pag-atake dakong alas-nuebe ng gabi sa Opera Garnier kung saan ang kalsada at bangketa ay puno ng mga tao.

Dalawa sa biktima ay malubhang nasugatan, habang ang dalawa ay mababaw naman ang sugat. Ang nag-iisang napatay ay 29-anyos na lalaki. (AP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy