Una sa Balita

Isa pang upset win ng Blu Girls

By
0 3

Nasustena ng world No. 23 Philippine national women’s softball team ang mainit na 2-0 start tungo sa 3-2 upset win kontra No. 10 Czech Republic sa final matches sa pagtatapos kahapon (Manila time) ng 11th World Cup of Softball 2016 sa ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City. Sinandigan ng Blu Girls ang dalawang runs sa first inning at isa sa third bago napigilan ang Czechs ng tig-isang run sa second-third frames upang masakote ang se­cond victories matapos gulatin din sa eliminations noong Linggo ang no. 19 Venezuela, 2-1.

Pero pagkaraang magulat ang Czech, natalo ang mga Pilipina sa rematch sa Venezuela, 1-3, upang lumagay sa 12th place sa 2-7 win-loss record sa 13-team, 12-nation, sx-day annual meet. Deadlast ang Czech sa 0-6 mark.

Nasikwat ng top ranked at reigning world champion Japan ang third World Cup crown sa 2-1 eskapo sa eight-time World Cup champion Americans. Australia ang bronze winner sa 4-3 talilis sa USA Elite.