Una sa Balita

Isa pang Pinoy tinamaan ng coronavirus sa UAE

0 332

ISANG Pinoy ang kumpirmadong may Coronavirus Disease (COVID-19) sa United Arab Emirates.

Ayon sa Ministry of Health and Prevention (MOHAP), nahawa ang 34-anyos na Pilipino sa Chinese na nagpositibo sa COVID-19.

Kasamang nahawa sa corona­virus ang 39-anyos na Banglade­shi.

Ayon sa MOHAP, parehong stable na ang kondisyon ng Pinoy at ang Bangladeshi.

“It affirmed that it is screening­ all persons in close contact with the confirmed cases to avoid spreading of the disease and to ensure the safety of the community,” saad ng ministry.

Umaabot na sa 11 katao ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19­ sa UAE.

Unang nagkaroon ng kaso sa UAE noong Enero 28 nang magpositibo ang apat na miyembro ng Chinese family.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More