Una sa Balita

Isa pang opisyal, 3 heneral sisibakin ni Duterte

By
0 1,560

Madaragdagan na naman ang mga pa­ngalan sa listahan ng mga sinibak na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito.

Inihayag ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa aktibidad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Huwebes ng gabi na isang chairman at tatlong heneral.

“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen. In the next few days, this is really a purging regime. I think that I have been spen­ding a lot of time just to clean up government. I would consume four years for the time that I would be there,” ani Pangulong Duterte.

Iginiit ng Pangulo na walang puwang sa kaniyang administrasyon ang mga tiwaling lingkod-bayan kaya’t hangga’t mayroong corrupt sa gobyerno ay tuloy-tuloy ang paglilinis sa mga ito.

“Lahat naman tayo ayaw ng corruption, ayaw ng mali. I am in the thick of firing people. I intend to fire maybe 70 or 49 policemen and three gene­rals for corruption,” dagdag pa ng Pangulo.

Pero, hindi tinukoy ng Pangulo kung sino ang sisibaking chairman ng isang ahensiya ng gobyerno gayundin ang tatlong heneral na hindi rin sinabi kung mula sa pulisya o militar.