Una sa Balita

Isa pa inasunto

By
0 5

Dahil naman sa pagpapa-reimburse ng kanyang personal na gastusin sa pondo ng munisipyo, kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Agusan del Norte Cabadbaran City Mayor Dale Corvera ng kasong graft at malversation.

Sa reklamo ng Ombudsman, iginiit nito na ginamit ni Corvera ang kanyang posisyon para makakuha at magamit sa pansariling interes ang public fund ng kanyang tanggapan.

Sa datos ng Ombudsman, humingi ng reimbursement si Corvera ng aabot sa kabuuang P362,145.85 para sa naging biyahe nila ng kanyang misis sa pagitan ng Mayo 5, 2011 hanggang June 26, 2014, kasama umano dito ang ginastos sa pamasahe, hotel accommodation at iba pang gastusin sa naging pagdalo nila sa Boy Scout activities sa Manila at iba pang biyahe sa Cebu City.

Ayon sa Ombudsman, bilang alkalde ng lungsod ay si Corvera ang siyang may pananagutan sa illegal na paggamit ng pondo nito, ang gastusin umano na pang personal ay hindi dapat kinukuha sa kaban ng bayan.

Nasa kabuuang P70,000 ang itinakdang piyansa ng Ombudsman para sa dalawang kaso na ito ni Corvera.