Una sa Balita

Isa Molde, pamatay ang hulog-bola

By
ISA MOLDE (ABS-CBN/UAAP)
0 5

Mahirap maging atleta dahil bukod sa hirap ng training ay buwis-buhay pa kapag nasa gitna ka na ng laban.

Pero, mas lalong mahirap kung ikaw ay isa ring estudyante, dahil bukod sa paglalaro ay kailangan mo ring mag-aral.

Matunog na volleyball varsity player nga­yon si Isa Molde, ang super rookie ng University of the Philippines Lady Maroons sa season 78 ng UAAP.

Abante Hiring – IT dep

“Mahirap maging student-athlete kasi kailangan mong gumising ng maaga para sa practice hindi kasi ako morning person,” saad ni 17-year-old Molde. “Tapos sa pag-aaral, everyday palipat-lipat ng class.”

Kahit gaano kahirap ang maging student-athlete hindi ito aatrasan ni outside hitter Molde dahil para sa kanya masarap sa pakiramdam kapag nakukuha niya ang kanyang minimithi.

“Ang saya kapag nanalo kayo sulit ‘yung pagod sa trainings at pag gising ng maaga, tapos sa pag-­aaral kapag pasado ka sa mga subjects mo,” nakangiting sabi ni 5-foot-6 Molde.

Alas-singko ng u­maga gumigising na ang Cebuanang si Molde para mag-jogging bago tumu­ngo sa kanilang unang set ng training.

“Hindi ko ini-expect na ganito sobra kahirap, pero tiyaga lang,” wika ni Isa.

Dahil sa sipag at tiyaga ni Isa, nasungkit nito ang Rookie-of-the-Year honor.

Kasalukuyang lumalaro si Molde sa Lady Maroons sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference.

Bilang spiker, istilo ni Molde ang mga long balls at drop balls para pektusan ang kanyang mga blockers.

“Pag naba-block na, hinuhulog ko na or dinadala sa dulo ‘yung bola,” ani Molde.

Maraming nagsasa­bing mahahanay si Molde sa mga ibang volleyball stars tulad nina former Queen Eagle Alyssa Valdez at Rachell Ann Daquis dahil sa nakikita sa kanya ang dedikasyon sa paglalaro.

“Sipag sa pag-aaral at sa trainings, labanan ang katamaran dahil ako gusto kong manalo kaya ginawa ko yung tama.” payo ni Isa sa mga gustong maging student-athlete.