Una sa Balita

Irving walang pake kay Smart, Stevens

By
0 638

NAGKAKANYA-KANYA ang Boston Celtics, sinamantala sila ng Toronto Raptors.

Umiskor si Pascal Siakam ng 25, nagdag­dag ng 21 si Kawhi Leonard at umalagwa sa second quarter ang Raptors para itakbo ang 118-95 panalo, Martes nang gabi.

Nasa unahan pa ang Celtics, 32-30, pagkatapos ng one quarter at nilista ang openin­g points ng second. Sumagot ng 18-0 run ang Raptors tungo sa 48-34 lead na bumuka sa 59-39 sa fast break dunk ni Leonard higit 3 minutes pa.

Namigay ng 11 assists sa 14 baskets sa second ang Toronto.

Inaalat ang Celtics, 0-3 na pagkatapos ng All-Star break.

Nagsumite si Marcus Morris ng 17 points, may tig-11 sina Jayson Tatum at Terry Rozier sa Boston.

“We have to be a lot more connected as a team,” puna ni Celtic­s coach Brad Stevens. “That’s been the theme for a while.”
Sinegundahan ni Marcus Smart ang coach.

“Nobody is together­,” aniya. “We’ve got to have everybody on the same page doing the same things at the same time.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy