Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving trip gawing NBA logo si Kobe

0 372

NAG-POST si Brooklyn Nets star guard Kyrie Irving sa kanyang social media account ng larawan ng yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant bilang logo ng liga.

Nais ni Irving na palitan na ang kasalukuyangogo ng liga at gawin itong mukha ng yumaong si Kobe.

Nang pumanaw si Bryant noong 2020, marami ang nagsulong na ito na ang gawing bagong mukha ng liga ngunit hindi ito naisakatuparan.

Pero hindi humihinto si Irving na ilaban ito.

Hirit ni Irving, “gotta happen, I don’t care what anyone says.”

Desidido talaga ito na mapalitan na ang logo ng liga, inilalaban nito na si Bryant ang gawing bagong logo dahil sa naging kontribusyon nito sa mundo ng basketbol.

Dagdag pa nito, “Black Kings built the league.” (Sarah Jireh Asido)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.