Una sa Balita

Irving sanay sa balyahan, Celtics nilusaw ang Pacers

0 205

NALIGTASAN ng Boston Celtics ang pisikalang laro kontra India­na Pacers sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference first round playoff series Linggo ng gabi.

Umiskor ng tig-20 sina Kyrie Irving at Marcus Morris, at nag-rally ang Boston sa second half para ibaon ang Indiana 84-74.

Umayuda ng 15 points si Jayson Tatum, may 10 points at 11 rebounds si Al Horford sa Celtics. Naka-10 markers din si Gordon Hayward.

Unang playoff game nina Irving at Hayward, wala sila noong isang taon dahil sa injuries.

Naging pangatlong player si Irving sa kasaysayan ng prangkisa na nagsumite ng 20-plus points, 5-plus assists at 5-plus rebounds sa kanyang postseason debut. Nauna sa kanya sina Isaiah Thomas (2015) at Jojo White (1972).
“I just try to be aggressive on the ball, be in the right spots,” ani Irving. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy