Una sa Balita

Irving saludo kay Hayward; Boston winalis ang Indiana

0 385

IPINAGPAG nina Gordon Hayward at Marcus Morris ang kalawang ng kanilang 3-point shooting at kinumpleto ng Boston Celtics ang clean sweep sa Indiana Pacers sa first round ng Eastern Conference playoffs.

Umiskor ng 20 si Howard, nagdagdag ng 18 si Morris at may pinagsamang limang 3s ang dalawa sa final 5 ½ minutes para ihatid ang Boston sa 110-106 win at unang 4-0 series sweep sa nakalipas na walong taon.

“I knew there was going to be a spark off the bench. And that person was Gordon Hayward,” ani Kyrie Irving, umayuda ng 14 points at 7 assists. “This is his city. I’m glad he had a chance to put on a performance like that in a closeout game.”

May 17 NBA titles ang Celtics, pero mula 1986-87 ay isang beses lang naka-sweep ng series – sa first round kontra New York Knicks. Sa pagitan ng title-clinching sweep sa Minneapolis Lakers noong 1958-59 at perfect run din tungo sa 1985-86 East finals kontra Milwaukee, nakadalawang sweep lang ang Boston kontra Houston (1979) at Chicago (1980).

Posibleng makatapat ng Boston ang top-seeded Bucks. makakapahinga pa ang Celtics at makakapaghanda.

Sinikwat ng Celtics ang first three games sa bisa ng nakakasakal na depensa sa second half, dalawang beses nilimitahan ang Pacers sa 12 points sa isang quarter, isang beses ay walo lang ang binigay.

Pumabor sa Boston ang laro nang matawagan si Indiana guard Cory Joseph ng Flagrant 1 6:45 pa sa orasan. Ipinasok ni Jayson Tatum ang dalawang free throws 83-82 Boston. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy