Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving reretiro kung ite-trade

0 55

KUNG iti-trade ng Brooklyn Nets, mas pipiliin daw ni Kyrie Irving na mag-retire na.

Mula kay Nick Wright ng Fox Sports:

“Some NBA news: There are a handful of Kyrie trades that potentially make sense for the Nets, Kyrie’s agents have made it known that Kyrie would simply ‘retire from the NBA’ if Brooklyn were to trade him.”

Baka gusto ng All-Star guard na sa Nets na tapusin ang career. Hindi lang sigurado kung hanggang kailan ang trio nila nina Kevin Durant at James Harden.

Binigyan ng panibagong four-year, $194 million deal si Durant.

Related Posts

May isang garantisadong season at 2022-23 player option pa si Irving, 29, sa Nets mula sa existing $136.5 million contract niya.

Nagbigay din ng update si Nets GM Sean Marks sa ankle sprain ni Irving,

“It was a bad ankle sprain, there is no question there, so that set him back and he’s recovering but he’s progressing well and he’s back in the gym,” aniya kay James Herbert ng CBS Sports.

Umaasa siyang bago ang training camp ay nakapagsimula nang mag-work out ang Big 3. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.