Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving, Nets taob muli sa Cavaliers

0 130

SINIKAP ng Brooklyn Nets na maka-rebanse sa Cleveland Cavaliers, halos sinarili na ni Kyrie Irving ang bola pero nabigo pa rin sila sa pangalawang sunod na pagkakataon.

Maganda ang naging teamwork ng Cavaliers kaya naman nilista nila ang 125-113 panalo laban sa Nets kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Pinamunuan ni Collin Sexton ang opensa para sa Cavaliers matapos magtala ng 25 points at siyam na assists habang double-double ang tinipa ni center Andre Drummond na 19 puntos at 16 rebounds para sa Cleveland na gumanda ang karta sa 8-7 sa Eastern Conference.

Hindi nakaporma ang Brooklyn sa apat na quarters matapos makatuwang nina Sexton at Drummond sina Larry Nance Jr., Jarrett Allen at Taurean Prince sa opensa.

Halos akuin ni Nets guard Irving ang bola sa buong laro pero nawalan ng saysay ang 38 puntos na kanyang naitala.

Bumakas si Allen ng 19 markers, may 15 points at 10 boards si Nance habang 14 ang kinana ni Prince para sa Cavaliers na dalawang sunod na kinalos ang Brooklyn.

Noong Huwebes, tinalo ng Cavs ang Nets, 147-135, kumpleto ang star players ng huli dahil nakapaglaro si Kevin Durant.

Tumikada si James Harden ng 19 puntos at 11 assists para sa Nets na naramdaman ang pagkawala ni Durant. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.