Una sa Balita

Irving, Nets nilambat ang Knicks

0 426

BINALIKAT ni Kyrie Irving ang Brooklyn Nets laban sa New York at mai­ngay na fans ng Knicks Biyernes ng gabi.

Umiskor si Irving ng 26 kabilang ang go-ahead 3 may 22 seconds sa laro tapos agawin ng Knicks ang trangko, at kumapit ang Nets sa 113-109 panalo sa unang meeting nga­yong season ng dalawang magkaribal na New York teams.
“Having a player like that, where you know that he can make plays down the stretch, it gives the team a lot of confidence,” ani Brooklyn forward Joe Harris.

Lumamang ng tatlo sa final 1 ½ minutes ang New York, pero ‘di kinabog ang Brooklyn.

Pasabog ng 50 points si Irving sa overtime loss sa kanyang Brooklyn debut kontra Minnesota. Laban sa Knicks, humarabas siya ng five straight points sa stretch.

Nagdagdag ng 20 points si Spencer Dinwiddie sa Nets.

Related Posts

Nagsumite ng 22 points si Allonzo Trier sa Knicks, may tig-16 sina Kevin Knox at rookie RJ Barrett.

Hati ang fans sa Barklays Center, pero natahimik ang Brooklyn supporters nang umahon ang Knicks mula 19 points down. Bago ang laro ay namigay pa ang Nets ng Irving jerseys.

Nagtuhog ng 10 straight points ang New York, huli ang 3 ni Wayne Ellington, para ibuhol sa 104. Sumagot ng layup si Irving, pero isa pang 3 ang ibinaon ni Ellington bago inagawan ni Barrett si Irving at kumaripas ng layup 109-106, Knicks.

Nag-take charge si Irving sa binitawang jumper at step-back 3. Nagkaroon ng tsansang tumabla ang Knicks pero nawala kay Julius Randle ang bola sa spin move sa ilalim at sinelyuhan ng dalawang free throws ni Dinwiddie ang panalo. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy