Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving, Melo pasiklaban

0 113

Hindi pa man nagsisimula ang 2021-2022 season ng NBA, pasiklaban na sa isang pickup game sina Brooklyn Nets star Kyrie Irving at Los Angeles Lakers newcomer Carmelo Anthony.

Sa isang post ng Overtime sa Twitter, makikitang pasiklaban ang dalawang basketbolista bago pa ang pagsisimula ng liga sa Oktubre.

Magtatagpo ang Nets at Lakers sa Christmas Day, Disyembre 25 (Disyembre 26/Manila time).

Mapapansin na maayos na rin ang kalagayan ni Irving na magugunitang nagtamo ng ankle injury sa Game 4 ng Eastern Conference semifinals sa pagitan ng Nets at Milwaukee Bucks noong nakalipas na season.

Pumoste ang 2016 NBA champion at seven-time All-Star guard ng average na 26.9 points, 6.0 assists, 4.8 rebounds per game kasama ang Nets.

Samantala, pinalakas naman ng Lakers ang kanilang lineup para sa susunod na season nang masungkit sa free agency si veteran forward Anthony mula Portland Trail Blazers.

Umabot hanggang first round playoffs ang kampo ng Trail Blazers, nakalaban ang Denver Nuggets, pati narin ang panig ng Lakers na tumaob kontra Phoenix Suns.

Kumana ang 37-year-old cager, 10-time All-Star ng 13.4 points, 3.1 rebounds at 1.5 assists sa Portland sa nagdaang season. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.