Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving ibabartolina ng Brooklyn Nets

0 86

MAY final answer na ang Nets: Hindi makakapag-ensayo o makakapaglaro sa Brooklyn si Kyrie Irving hanggang hindi nakakapagpa-bakuna.

Bahagi ng tatement ni general manager Sean Marks nitong Martes:

“We have decided Kyrie Irving will not play or practice with the team until he is eligible to be a full participant. Kyrie has made a personal choice, and we respect his individual right to choose.”

Pero dahil din sa ‘choice’ na ‘yun ay hindi puwedeng maging full-time member ng team ang All-Star guard. At ayaw pumayag ng team na maging part-time member ang sinumang player.

Wala pang bakuna kontra COVID-19 si Kyrie, hindi siya puwedeng maglaro sa Nets home games base sa patakaran ng New York City na kailangan ng kahit isang dose ng bakuna para makapasok sa bars, restaurants at iba pang indoor venues kasama ang basketball arenas.

Pinayagan si Irving na sumama sa practice ng Nets dahil privately owned naman ang facility, puwede rin sana siyang maglaro sa road games – maliban sa San Francisco at Los Angeles na may kaparehong mandato ng sa NYC.

Pero nanindigan ang team na hindi puwedeng si Kyrie ang magdidikta ng sarili niyang rules tulad ng pagiging part-time participant. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.