Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving, Harden pinapak Knicks

0 263

BUHAY na buhay na ang karibalan ng Nets at Knicks, dalawang teams na parehong nasa New York pero mainit ang salpukan.

Maingay sa Barclays Center sa Brooklyn kahit 1,600 lang ang fans na pinapasok.

“I got a little taste of it tonight,” ani James Harden sa unang laro kontra New York sapul nang dumating mula Houston noong January.

Tumunog na ang final buzzer, kinailangan pang pigilin ng mga kakampi si Knicks forward Julius Randle dahil sa inirereklamo niyang tawag na pumabor sa Nets.

Tayuan ang teammates mula sa bench nang akmang lalapitan ni Randle ang referees.

Katiting na 3.2 seconds na lang at iwan ng tatlo ang New York, natawagan ng traveling si Randle.

Pasabog ng 34 points si Kyrie Irving, nilista ni Harden ang 10th triple-double ng season sa tono ng 21 points, 15 rebounds at 15 assists, at naungusan ng Brooklyn ang New York 117-112 Lunes ng gabi.

Tumapos si Randle ng 33 points, 12 rebounds at 6 assists.

“These New York fans, especially the Knicks fans, you can hear them,” dagdag ni Harden. “I don’t know how many fans we have in the building total, but you heard a lot of Knicks fans.” (VE)

instagram.com/brooklynnets

Leave A Reply

Your email address will not be published.