Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving, Durant, Harden pinalamig Clippers

0 328

Pasabog ng season-high 39 points si Kyrie Irving at pinalamig ng Brooklyn Nets ang Los Angeles Clippers 124-120 Martes ng gabi sa New York.

Walong sunod na puntos ang tinuhog ni Irving sa fourth quarter nang agawin ng Nets ang manibela.

Nag-ambag si Kevin Durant ng 28 points, at tumapos ng triple-double na 23 points, 11 rebounds at 14 assists si James Harden.

Inari ng tatlo ang lahat ng puntos sa 13-0 spurt ng Brooklyn na kinapitan para kalsuhan ang three-game winning streak ng LA.

Umiskor ng 23 si Kawhi Leonard, may 26 si Paul George sa Clippers.

Abante pa ng lima ang Los Angeles sa kalagitnaan ng fourth nang pumasok ang 3 ni Durant, sinundan ni Irving ng isang tres, basket at isa pang tres.

Tinapos ng 3 ni Harden ang ratsada tungo sa 110-102 lead 4:10 sa laro.

Nagawang ibaba ng Clippers sa isa bago sinelyuhan ng dalawang free throws ni Irving ang panalo.

Anim na tres ang ibinaon ni Irving, naglista ng 14 points sa first 12 minutes ng second half.

Pasok ang jumper ni George 1.1 seconds sa third period at pumasok ang Clippers sa fourth hawak ang 90-88 edge. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.