Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving ‘di kawalan sa Nets – Oakley

0 122

Naniniwala si National Basketball Association legend Charles Oakley na magkakampeon ang Brooklyn Nets kahit wala si si Kyrie Irving sa team.

“I think they can still win it with him playing this way,” bulalas Sabado ni Charles, 57, 6-9 na isang power forward.

Absent pa rin sa kasalukuyan si Irving sa Nets dahil hindi puwedeng maglaro sa pagkontra sa pagpapabakuna kontra Coronavirus Disease 2019.

Ayaw magpaturok ng 29-anyos baketbolista dahil sa pansariling rason.

Mandato na sa New York City at California na dapat munang magpa-vaccine ang bawat manlalaro bago sumalang sa game. Posibleng mawala ng halos kalahating season si Irving.

Habang liban pa ang 6-foot-2 guard, nakapako naman ngayon ang atensyon at magsisilbing tagapagsalba sa Brooklyn sina James Harden at Kevin Durant.

“You still have James Harden and KD — 2 of the top 5 best players in the league,” wakas ni Oakley, 1994 All-Star forward. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.