Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irving binigyan ng bahay pamilya ni George Floyd

0 363

ISINIWALAT ni dating NBA player Stephen Jackson na binigyan ng bagong bahay ni Brooklyn Nets guard Kyrie Irving ang pamilyang naiwan ni George Floyd.

Si Floyd ay isang black man at hip-hop artist na namatay nang matagal luhuran sa leeg ng puting pulis na si Derrick Chauvin nang arestuhin ang una noong Mayo 2020 dahil sa umano’y pagbabayad sa isang tindahan ng counterfeit na 20 dollar bill.

Nangako si Jackson, na ititinuturing na kapatid si Floyd, sa pamilya ng namatay na hip-hop artist na aarugain nito ang naiwang anak na pitong-taong-gulang na babae.

Sa panayam, sinabi ni Jackson na marami ang tumutulong sa pamilya ni Floyd.

Bukod umano kay Irving, nagbigay din ng suporta sa pamilya ang sikat na singer na si

Barbara Streisand. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.