Una sa Balita

Irving 66 segundo lang kontra Lakers

0 317

MULA Brooklyn, dumayo pa ng China si Kyrie Irving para sa unang laro niya sa Nets.

Tumagal lang siya ng 66 seconds sa court.

Lumala ang facial fracture ni Irving isang minuto lang sa tipoff ng kanyang preseason debut sa Nets, hindi na tinapos ang 114-111 win kontra kay LeBron James at Los Angeles Lakers nitong Biyernes sa Shanghai.

Pinalitan si Irving ni Spencer Dinwiddie at tumapos ng 20 points sa Nets, may 18 si Taurean Prince.

Nagsumite ng 20 points si James, umayuda ng 18 si Rajon Rondo at 16 pa kay Anthony Davis sa Lakers.

Wala namang kakaibang ganap sa laro, natuloy din pagkatapos kanselahin ang ilang events para i-promote ang annual appearance ng NBA sa China.

Nagsimula ang malamig na trato sa NBA nang mag-tweet si Houston Rockets general manager Daryl Morey ng suporta sa anti-government protests sa Hong Kong. Na-delete na ang tweet ni Morey.

Hindi pinatugtog ang US at Chinese national anthems bago ang laro. Lahat ng media events sa Mercedes-Benz Arena – mula pregame availabilities, postgame news conference at media session ni NBA Commissioner Adam Silver – ay kinansela.

Nagdeklara ang Chinese state broadcaster CCTV na hindi na nito ie-ere ang Lakers-Nets games.

Pero bulto pa rin ang fans na dumating sa 18,000-seat arena. Kay LeBron pa rin ang pinakamalakas na sigaw.

Tumira si James ng 7 of 15 mula sa floor, 2 for 3 sa 3-point range at nagdagdag ng 6 rebounds sa 24 ½ minutes. May laro muli ang Lakers at Nets sa Shenzhen sa Sabado. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy