Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Irish nanalo pero injured sa talon

0 37

HALOS gold na, naging bago pa.

Ito ang nangyari sa Ireland welterweight boxer nang magka-ankle injury matapos lumundag pataas mula sa kanyang kanyang pgkakapanalo sa quarter bout sa Japan.

Napuwersa si Aidan Walsh na hindi ipagpatuloy ang laban sa semifinals sa 2020+1 Tokyo Olympics makalipas matapilok mula pagkalundag sa pagbubunyi sa panalo noong Biyernes kay Merven Clair ng Mauritius.

Inihayag ng boxing officials na hindi na dumalo si Walsh sa medical check up at weigh-in bago ang laban kotra Pat McCormack ng Great Britain Linggo.

Magaan na nakausad si McCormack tungo sa gold medal bout via walkover habang nagkasya na lang si Walsh sa bronze medal. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.