Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iris swak tres gamit volleyball

0 189

HABANG naka-breaktime sa training, nagpakulo sa shooting si volleybelle Iris Tolenada kung saan naka-tsamba ito ng malayong three point shot gamit ang volleyball.

Sa Instagram post nito, matapos makapagpakitang-gilas ay todo-hiyaw ang balibolista. “Brb, just shooting my shot,” caption ni Fil-Am volleyball star.

Miyembro ngayon si Iris ng national team na sasabak sana sa 2021 SEA Games women’s volleyball tournament ngunit napurnada dulot ng COVID.

Aarangkada uli ang 29-anyos balibolista sa 2021 Asian Women’s Volleyball Championship sa Agosto 29 hanggang Setyembre 5 na gaganapin sa bansa, huli itong naglaro ng professional tournament sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Motolite. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.