Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iris lagare sa ensayo

0 110

PUKPUKAN sa pagpapakondisyon si setter Iris Tolenada kasama ang koponan ng F2 Logistics Cargo Movers.

Masisilayan sa Instagram stories ng 30-year-old veteran volleybelle nitong Miyerkoles ang ginagawang pagpapalakas nito habang nasa bubble sa Batangas.

Magugunita na huling umaksiyon si Tolenada kasama ang national women’s volleyball team sa nagdaang 2021 AVC Asian Women’s Club Championship sa Thailand.

Inaasahang aaksiyon si Tolenada at ang Cargo Movers sa darating na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League na gaganapin sa Nobyembre 20-25. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.