Una sa Balita

Iregularidad sa 4Ps, senior pensyon, isunod sa ghost dialysis

0 453

Tutal ay mainit ang isyu sa ghost dialysis na kinasasangkutan ng PhilHealth at Wellmed dahilan para kalampagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng PhilHealth at hilingin ang courtesy resignation ay samantalahin na rin natin ang pagkakataon na imbestigahan din ang iregularidad sa 4Ps na nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development Services (DSWD).

Alam nating walang kinalaman sa kalokohang ito ang kontro­bersiyal na kalihim ng DSWD na si Sec. Rolando Bautista kaya naniniwala akong kayang-kaya niya itong resolbahin.

Base sa impormas­yong ipinarating sa inyong lingkod ng ilang senior citizen at 4Ps beneficiary partikular sa bayan ng Candelaria, Zambales talamak ang suspensyon, pangangal­tas ng benepisyo sa mga benepisyaryo ang ipinatutupad nitong si Perla Perareza Eata na siyang Municipal Social Welfare and Development Officer.

May mga bago raw patakarang ipinatutupad ang madam na ito na wala naman sa ‘oath form’ ng mga benepisyaryo.

Ang hinaing pa ng mga DSWD beneficiaries ng Candelaria na maraming benepisyaryo ang basta na lamang sinuspinde ang claims.

Maging ang ilang umaasang mga senior citizen sa Candelaria sa kanilang buwanang pensyon sa bisa ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 o Republic Act 9994 ay nagre­re­k­­­­lamo dahil hindi pa rin sila nakakatanggap ng benepisyong ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 2018 pa nang isabatas ang RA 9994 kaya dapat ay noong isang taon pa nakakatanggap ng P500 pension ang mga senior pero nakapagtatakang hindi lahat ng senior ay tumatanggap.

Madami ang nangyayari at hindi maayos ang pamamalakad ninyo sa dapat ay tulong ng gobyerno sa inyong nasasakupan?

Kailangan ba pa talagang makarating kay Sec. Bautista at Pangulong Duterte ang hinaing na ito ng mga kapos nating kababayan diyan sa Zambales bago kayo gumalaw?

Pero kung ako sa mga dinedehadong nating kababayan ‘wag na kayong lumayo pa dahil nariyan naman si Zambales-elect Gov. Hermogenes Ebdane na yakang-yakang ayusin ang gusot na ito. Gov pakitaan nyo nga ng kamay na bakal ang mga pasaway na municipal officers ng DSWD.

Related Posts

Ayaw kaya ni Pa­ngu­long­ Duterte ng mga abusadong opisyal ng gobyerno at alam kong ganun din kayo!

***

Malamang ay hilong talilong na ang mga kongresistang nag-aambisyong maging speaker.

Kung ako ang tatanungin hindi ka dapat mangatog o makaramdam ng daga sa dibdib kung alam mong karapat-dapat ka sa posisyon.

Katulad na lamang nitong si Taguig-cong­ressman-elect Alan Peter Cayetano na hindi maingay ang pangalan sa pagka-speaker pero mukhang itinutulak ng maraming mambabatas.

Sabagay kung pag-uusapan ang kuwalipikasyon ay hindi mapag-iiwanan itong si Cong-elect Alan.

Andami na yata niyang pinagdaanang posisyon at higit sa lahat ay nakahawak na ito ng mga sensitibong isyu nang italga itong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng dati ay katiket niya sa national elections na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga kuwalipikasyong ito tiyak akong maning-mani na kay Cayetano na katawanin ang Kamara at Pilipinas sa international arena dahil sa kanyang karanasan.

In short , winner ang kanyang track record.

Ang tanong ko, kumusta naman kaya ang tatlo pang nag-aambis­yong maging Speaker taglay ba nila kahit isa sa katangian ni Alan? Ilatag niyo rin para magkaalaman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy