Una sa Balita

Iranian kalaboso sa panghihipo

0 408

MALAMIG na rehas ang hihimasin ngayon ng isang Iranian national makaraang arestuhin dahil sa panghihipo nito sa maselang bahagi ng katawan ang isang da­lagang call center agent habang naghihintay ng masasakyang tricyle kamakalawa nang gabi sa Taguig City.

Nakakulong nga­yon sa Taguig City police ang suspek na si Mehd­i Esfini Farahani, 29-anyos, binata, nakatira sa No. 438 Pio del Pilar, Makati City, dahil sa reklamo ng 21-anyos na biktima na tinago sa pangalang ‘Mary’.

Lumalabas sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-7:20, kamakalawa nang gabi, sa harapan ng Lakay’s Panceteria, MRT Avenue.

Naghihintay ang biktima ng kanyang masasakyang tricycle, lumapit sa kanya ang suspek at sapilitang hinihingi ang cellphone number nito at sabay na hinipuan sa kaselanang bahagi ng katawan nang dalawan­g beses.

Kaagad na nakatakbo ang biktima at na nagsumbong sa kanyang ina, na humingi naman ng tulong sa mga pulis, na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.
Sa ngayon ang suspek ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More