Una sa Balita

Iranian chesser pinagulong ni So

0 411

NASOLO ni super Grandmaster Wesley So ang unahan matapos pagulungin si Alireza Firouzja ng Iran sa round four ng 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands, kahapon.

Nakalikom si So, 25, ng tatlong puntos matapos ang 47 moves ng Queen’s Gambit sa event na may 14-player single round robin.

Makakaharap ni Imus, Cavite native So si GM Vladislav Kovalev ng Belarus na yumuko kay GM Vladislav Artemiev ng Russia.

Kailangan ni So na makapagtala pa ng panalo laban kay Kovalev upang mapalaki ang kanyang lamang at manatiling may tsansa sa pagsilo ng pangalawang korona sa nasabing prestihiyosong chess tournament ng taon.
Limang GM ang magkasalo sa second place kabilang sina Artemiev, Fabiano Caruana, Jeffery Xiong, Firouzja at Jorden Van Foreest ng Netherlands na may tig-2.5 points.

Nakisiksik naman si reigning World Champion Magnus Carlsen ng Norway sa seventh place tangan ang dalawang puntos.

Sa 13th round pa makakalaban ni So si Carlsen, tiyak na inaabangan ito ng mga Pinoy fan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More