Una sa Balita

Iran VP positibo sa coronavirus

0 563

NADAGDAGAN ang matataas na opisyal ng Iran na nahawaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) matapos magpositibo ang bise presidente nito.

Ayon sa Washington­ Post, iniulat ng state newspaper noong Pebrero­ 27 na tinamaan ng virus si Vice President Masoumeh Ebtekar.

Kabilang ang bise presidente sa 254 katao na infected ng virus sa Middle East kung saan 26 katao na ang nasawi, ang pinakamataas na death toll sa labas ng China, kung saan nagmula ang outbreak.

Nauna nang na-diagnose na may COVID-19­ ang deputy health minister ng Iran. Noong Pebrero 25 nang magpositibo sa virus si Deputy Health Minister Iraj Harirchi. Inamin din ng Iranian parliament’s national security and foreign affairs committee head na si Mojtaba Zolnour na may virus siya at naka-self quarantine.

Bunsod nito, pinagbawal na ng Saudi Arabia ang mga foreign pilgrim sa pagpasok sa kingdom at pagbisita sa mga holiest site nito. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More