Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iran nginuso ng Israel sa oil tanker attack

0 41

Inakusahan ng bansang Israel na ang Iran ang may pakana ng oil tanker attack na ikinamatay ng dalawang crew nito na isang British at isang Romanian citizen.

Ayon kay Israeli Foreign Minister Yair Lapid, dapat isisi sa Iranian terrorism ang insidente.

Hinimok din ni Lapid ang iba pang bansa na palagan ang pangyayari dahil hindi aniya solong problema ng Israel ang Iran.

Sa lumabas na report nasa karagatan ng Oman sa Arabian Sea ang barko na pinatatakbo ng London-based company na Zodiac Maritime nang mangyari ang atake.

Tiniyak naman ni Israeli shipping magnate Eyal Ofer, na siyang may-ari ng kompanya na masusi na nilang pinaiimbestigahan ang insidente.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Iran sa nasabing bintang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.