Una sa Balita

Iran nasa likod ng Saudi attack — US

0 479

INAKUSAHAN ni US Secretary of State Mike Pompeo ang Iran na nanguna sa pag-atake sa mga Saudi oil plant na naging sanhi kung bakit bumaba sa kalahati ang output ng kingdom.

Kinondena rin ni Pompeo ang Tehran dahil sa pakikilahok nito sa pekeng diplomacy at maging ang pagkakasangkot ng Yemeni.

Nabatid na inako ng Yemen Iran-aligned Houthi group ang pag-atake sa dalawang plantang nasa pusod ng Saudi Arabia oil industry, kabilang na rin ang pinakamala­king petroleum processing facility sa mundo.

Gayunman, inamin ni Pompeo sa kanyang post sa Twitter na walang ebidensiya na ang pag-atake ay nanggaling sa Yemen.

“Tehran is behind nearly 100 attacks on Saudi Arabia while Rouhani and Zarif pretend to engage in diplomacy,” ayon kay Pompeo kung saan tinukoy niya si Iran President Hassan Rouhani at Foreign Minister Mohammed Javad Zarif.

Nanawagan din si Pompeo sa lahat ng bansa na kondenahin ang ginawang pag-atake ng Iran.

­(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy