Una sa Balita

Iran nanindigan sa missile test

By
0 2

Itinanggi ng Iran na may nilalabag itong anumang batas sa isinasagawa nitong panibagong missile tests.

Ayon sa ulat, nilinaw ng defense minister ng Iran na si Defense Mi­nister Hossein Dehghan na hindi nito nilabag ang nuclear deal at wala silang nilabag na anumang batas sa isinagawa nilang panibagong missile test.

Dagdag pa nito na ang nasabing test ay bahagi ng plano ng Iran para hindi sila mapasok ng anumang bansa.

Magugunitang noong Linggo ay naglunsad ng medium-range ballistic missile ang Iran na ikinabahala na rin ng US.